
December 16th, 2007
11:29 pm
11 months, 10 days ago.
74 words
5 Comments
clebrations, domain
Mini kasi… sobrang iksi ng post ko.
Galing kami ni Kelly sa tita ko, birthday kasi ng pinsan ko. So ayun, kainan and syempre games para sa mga kids. Hindi ako nakakuha ng pictures. Dibale, hihingi na lang ako ng copy of pictures and videos sa tita ko.
Balak ko nga pala bumili ng bagong domain. Suggest naman ulit kayo kung ano maganda. This time, gusto ko naman ng pa-girl or pa-cute yung dating.
December 15th, 2007
11:16 pm
11 months, 11 days ago.
203 words
3 Comments
dear diary, thanks, wordpress, work
Waaa! Ilang araw din ako di nakapag-blog. Talagang tinutukan ko yung assessment project na pinagawa sakin. Sa twitter na lang ako nag a-update. So ayun… awa ng Diyos pumasa naman lahat sa validation nung i-check ko sa w3schools. Sana talaga matanggap ako, gustong gusto ko na mag-work. Gusto kong maging independent.
Natanggap ko na nga pala yung wordpress theme na ipinagawa ko kay Claire. Sa monday ko na sya aayusin kasi magdye-general cleaning kami bukas. Hay naku! Ewan ko ba, malinis na naman yung bahay pero gusto ng mom ko maglinis ng maglinis kahit malinis na. “Nyak. Ano kaya yun?” Pasensya na, hindi ako nakakapag-return ng comments, sobrang busy talaga.
Ay, andaming nanghihingi ng address ko for christmas cards. Naku maraming salamat sa inyo. Pasensya na ulit kasi wala akong maibibigay. Hindi ko maasikaso kasi sobrang busy talaga. Dibale, babawi ako sa birthday nyo. O sya sige, matutulog na ko. Magsisimba pa ako bukas ng madaling araw eh. Woohoo, simbang gabi na. And syempre, gusto ko kumpletuhin yung pagsisimba hanggang 25.
December 9th, 2007
12:43 pm
11 months, 17 days ago.
164 words
9 Comments
work
Yay! Nag-email sakin yung pinag-apply-an ko dati pero nag back out ako. Tinatanongkung available daw ba ako for the position HTML coder at kung gusto ko pa rin daw ba mag-apply for the job. Syempre oo. I love doing those kind of jobs, tatanggihan ko ba naman? So ayun, ka-chat ko sya kagabi. Kasi merong ipinagagawang assessment project (with pay). May ibibigay sila sa akin na PSD files tapos iko-code ko sya using XHTML & CSS. Pag okay yung gawa ko, tanggap ako. Bale sa Makati yung office, Red8 Inc. yung company. At naku! Tuturuan pa daw nila ako ng .net technology. Kailangan din daw kasi nila ng entry level for .net frameworks. Aiyieee!!! My dream job. Yes, ever since, gustong gusto kong maging “Famous (haha, taas mangarap ano?)” Graphic Artist & web Designer/Developer.
Naku, 100% effort at talagang, gagalingan ko yung dun sa pinagagawa sakin. Eto na yung chance, di ko dapat sayangin.