Kritz, 19, Nov. 17, scorpio, chocoholic, shy, versatile, tough chic, shopaholic, loyal, couch potato, crafty, environmentalist, drama queen more >>
Confused
date January 12th, 2008   time 2:11 pm   time since... 10 months, 13 days ago.
total words in post 611 words   comments 6 Comments
category confused, studies

Ilang beses na tumawag yung dad ko. Tinatanong nya kung ano daw plano ko sa studies ko. Sabi ko itutuloy ko pa rin yung studies ko at mag-eenroll ako this coming school year sa June. Ang problem ko, ayoko na ng Com. Sci. Balak ko na talaga mag-shift into Multimedia Arts noon pa kaya nung last sem ko nung 2nd year ako eh, 4 minor subjects lang ang kinuha ko. Kung ano lang yung make-credit para di aksaya sa tuition fee. Kung itutuloy ko yung Com. Sci. paniguradong madami akong subjects na hahabulin. Eh ang gusto ko after 2 years, graduate na ko. Oo, ganun ako nagmamadali ngayon. Gusto ko na makatapos agad. So ang last resort ko is to take Diploma in Multimedia Arts. 2 years lang sya kaya medyo nag-aalangan ako. Syempre iba na yung Bachelor’s Degree diba? Gusto ko 4 year course. Eh kung another 4 years, parang di na ata ako makakapag-intay nun. Isa pa, kaya gusto ko makatapos na agad eh dahil ayoko maging pabigat sa parents ko. Gusto ko makatapos agad para matulungan ko sila and syempre para makatulong din ako sa pagpo-provide para kay Kelly.

Naguguluhan na talaga ako. Ano sa tingin nyo? Itutuloy ko yung Com. Sci.? Yung 2 years o yung 4 years na Multimedia Arts? Kung sakali yung 2 years lang, makahanap naman kaya ako ng magandang trabaho? Haay naku! Masyado akong pabago-bago ng isip. Mababaliw kayo sa sobrang pagiging undecided ko. Alam nyo ba? Di lang yan? Oo, kung hilig rin lang, Multimedia Arts na ako, yan talaga ang hilig ko at alam kong mag-eenjoy ako pagdating sa work. Pero grabe ang competition sa field na yan, tapos di pa sya ganun ka in-demand. Kaya parang gusto ko ng ibang course like HRM, Tourism, or PT. Something na in-demand. Kaso nga, another 4 years na naman yun. Tapos gusto ko mag-work abroad then yung family at sariling family ko(gets nyo ba?), ipe-petition ko. Yan ang plan/goal ko. Let’s admit it, mahirap talaga ang buhay sa Philippines, sobrang gulo pa. You can’t blame me kung gusto kong tumira sa States or sa ibang country.

Nakakaloka ano? Feeling ko tuloy ngayon, parang walang direksyon yung buhay ko kasi di ko alam kung ano gagawin ko. :emo8: Wala namang kaso kung another 4 years na naman. Okay lang sa parents ko. Sabi ng dad ko, kahit ano daw desisyon ko, susuportahan nya. Kaso lang talaga, another 4 years. Haay. Di ko kayang makapag-intay ng ganun katagal noh. Ngayon pa nga lang gusto ko ng maging independent. Atat na ko magkaron ng work. Kasi once na ma-experience nyo yung first salary, parang gusto mo na lang mag-trabaho, ayaw mo na mag-aral. Haha. Diba tama ako? Pero syempre mas maganda kung makakatapos ng studies. Hay naku Kritz, ano ba talaga?! Ikaw ang nagpapagulo ng buhay mo eh!

Let’s move on to a lighter topic. I’m working on my pages already. I’ve added some contents in my goodies and I’ve also added an Ask me page where you can ask anything personal or kahit anong gusto nyong itanong as long as kaya ko sagutin. :emo5:

Ay! Oo nga pala. Matagal ko na natanggap yung card galing kay Laine. Hindi ko lang nakuhanan agad ng pics. May kasama syang stickers na strawberry shortcake kaso di ko na nakunan ng pic kasi hiningi na ng lil’ sis ko. And yung kay Rina naman, kahapon ko natanggap. Bakit nga ba ganon ang post office natin? Local mail na nga lang eh, ang tagal pa nilang i-process? Anyway, here’s the pics, click them for their actual image size:

read more ♥



New layout
date January 10th, 2008   time 7:43 pm   time since... 10 months, 15 days ago.
total words in post 235 words   comments 12 Comments
category dear diary, layout, wordpress

Nyak! Bakit ganun? Kung minsan html text file ang lumalabas sa blog ko. Kailangan pa i-refresh minsan para mag-show talaga yung blog ko. Sino sa inyo nakaka-experience nito? Dahil kaya sa latest version ng wordpress? Hmmm… Balik nga ulit ako sa 2.3.1

Anyway, new layout ako. Minodify ko yung Marie Chan na layout ni Ate Jays. Naku! Ano ba yan, pati ako nahihilig na rin sa Marie. And napansin ko na mas gusto ko na yung pink ngayon kesa sa favorite color kong apple green. Hmmm… pa-girl na rin ako. Hehe. It’s not that I’m boyish or what, pero simple lang kasi ako. Dati, inis ako sa mga maaarte. Pero ano nga bang magagawa natin? We’re girls, we like cute things, and syempre pa di mawawala yung mga kung anu-anong kakikayan.

Di pa ko tapos. I’m working on my pages na. Oo nga pala, naglagay na rin ako ng audio/video comment plugin. Gusto ko marinig mga boses nyo. So, hindi man tayo mag-meet personally. At least kahit papano, boses nyo eh marinig ko. In that way, para ko na rin kayong nakakausap nang personal. Leave me some audio comments naman.

I need some hostees nga pala. Masyadong malungkot kung ako lang mag-isa sa prismheart.net. You know how to reach me naman eh. Kung hindi, PM nyo lang ako sa YM. My id is kritz_17.



Sa wakas
date January 8th, 2008   time 1:18 am   time since... 10 months, 18 days ago.
total words in post 429 words   comments 7 Comments
category dear diary

Tagal ko ba di nag-update? Sobrang sama ng pakiramdam ko nung nakaraang araw. Nag-decide ako na wag muna talaga mag-computer. Check lang ng e-mails, yun lang. Nakatulugan ko kasi, tinali ko ng basa yung buhok ko. Ayun, paggising ko sobrang sakit na ng ulo ko. Lalo pang lumala nung iligo ko. Then uminom na lang ako ng gamot. Okay na sana pagaling na sana ako kaso may dumating akong bisita then lumabas ako. Ayun na, nabinat ako tapos nagtuloy-tuloy na yung sakit ko. Ang boring nga ng new year ko. PAgkakain ko, natulog na din ako. Di rin naman talaga ako makakapag-enjoy kasi di ko pwedeng iwan si baby. Di rin naman sya pwedeng ilabas dahil mausok gawa ng mga paputok. So ako ayun, natulog na lang ako. Ang boring ano?

Naku! Naiinis ako. Kung kelan may kailangan akong tapusin na work, tsaka naman nagloloko itong PC. Pero dibale, magpapa-assemble naman daw uli ng bagong PC dad ko sa tito ko. Then itong gamit ko ngayon, ibibigay ko na lang sa little sister kong si Aira.

Talking of my sister. Hindi ko pa pala sya naikukwento. Ang pinaka makulit naming bunso. Naku, nahihilig sa mga online games. Eh ayaw ko magpa-install dito ng mga ganun kaya ayun, laging nasa Net Cafe. Pero dibale, mapupunta na naman sa kanya ito. Haaay. Sa bday ko, MacBook na lang hihilingin ko sa dad ko. Kaso matagal-tagal pa birthday ko eh. Hmmm, ano bang occasion ang darating na malapit-lapit sa January? Hmmmm…


Gelai, Jeannie & me

 Oo nga pala. Nakita ko ito kanina habang nagbabawas ako ng mga junk files. I so miss them na sobra… The photo was taken sa computer lab namin kahit may prof. Hehe. Ang iksi pa ng buhok ko dyan. Bagong gupit at bagong rebond ako nyan. Nga pala, click the picture for a larger view. Makikita nyo kung gano kaiksi yung buhok ko sa likod tapos ganyan kahaba sa harap. Assymetrical cut sya. Actually, nung November 2006 pa yan. It was an emo hairstyle, got the idea from a friend. Hanggang ngayon di pa rin ako nagpapagupit kaya ang sagwa tignan ng buhok ko pag lahat nasa likod. Kailangan nasa harap yung mahabang part para okay tingnan. Wala lang, just want to share. Kasama ko nga pala sa pic is Angie and Jeannie. My bestest buds.



Page 3 of 9«12345»...Last »




site, layout & content © Prism ♥ Heart | code © ilabyu.net
Peace!Bleh!I ♥ chocolatesCoupon

  • 37 posts
    183 comments
    Unique today: 26
    Hits today: 68
    Total visitors: 2695
    Total Hits: 14362

    WP Stats

    November 2008
    M T W T F S S
    « Jun    
     12
    3456789
    10111213141516
    17181920212223
    24252627282930

    A starbucks coffee maybe, a pizza, ice cream, doughnut, or a muffin? Whatever it is, I'd be thankful for buying me a snack.

    And maybe I'll get some delivered to you, too (if possible). So we can both enjoy the snack. You can also suggest what to buy.

  • 壁面収納 (2)
  • Mitch
  • Valerie
  • Rina
  • Pam
  • Yeye
  • Laine
  • Claire
  • Ishii

  • View all | Add Yours