
January 21st, 2008
1:08 am
10 months, 5 days ago.
137 words
11 Comments
sick, worried
Naku! I really need everyone’s support. Please pray for Kelly. Grabe sobrang nag-aalala na ko. Nagka-tigdas kasi si Kelly. Eh binyag ng anak ng ate ko kahapon. Lahat kami kailangan pumunta kaya no choice kung hindi isama namin si Kelly. Eh diba kasi bawal mahanginan pag ganun. Tapos ayun. Nung bandang tanghali, sumuka sya. As in sobrang dami. Siguro 4 oz. yung dami nya. Akala namin dahil lang siguro mayugyog ng sobra. Pero nung paguwi namin. Pinadede ko sya, tapos isinuka nya lang uli yung dinede nya. Dun na ko parang medyo nag-alala. Sabi ni mama pa-checkup ko daw sa pedia. Kaso wala naman yung pedia nya pag weekends. Pinainom namin ng tsaa. Pag hindi pa rin tumigil sa pagsusuka, punta na kami ng hospital. Eto nga ako eh. Di makatulog, binabantayan ko sya. Kaya nagko-computer muna ko.
January 17th, 2008
7:39 am
10 months, 9 days ago.
303 words
5 Comments
dear diary, sick
Hindi ako nakapag-blog kahapon. Gusto ko sana kaso kung kelan tulog na si Kelly, gabing-gabi na kaya di ko na kaya mag-computer. Masama kasi pakiramdam ko. Ganito yun, kwento ko simula sa umpisa.
Nung isang araw, paulit ulit ko sinasabi na: “Ay naku! Antok oh, antok. Halata sa mata, mapungay na. Ayaw naman matulog. Pag pinapa-dede ko, dapa ng dapa.” Tapos napansin ko na parang mainit sya. Akala ko dahil lang sa mainit yung panahon. Ayun pala may lagnat na pala si Kelly. Nung bandang gabi, dun ko na napansin na matamlay sya tsaka sobrang init nya. Sobrang taas ng lagnat nya. Nung pag-gising ko ng umaga, ayun pina-check up namin sa hospital. Nag-iipin na daw sya sabi ng pedia nya. Nabinat daw siguro kaya sobrang taas ng lagnat. Ayun, niresetahan na lang kami ng gamot. Eh kagabi, sobrang taas pa rin ng lagnat nya. Medyo magiging ok sya, tapos maya maya sobrang init nya na naman. Kaya ayun, hindi tuloy makatulog kasi masama pakiramdam ni baby.
Tapos napansin ko, parang nilalamig ako. Tapos medyo masakit lalamunan ko. Nararamdaman ko na, na magkaka-lagnat din ako kasi medyo masama na rin pakiramdam ko. Eto, nahawa ako sa kanya ng lagnat. Ang dali ko mahawa ano? Mahina kasi resistensya ko, lagi kasi akong nagpupuyat. Tapos hindi naman ako nakakabawi ng tulog. Tapos si Kelly medyo okay na, bumaba na lagnat nya. Sabi ko nga: “Hala, nahawa na ko kay Kelly. Sabagay, okay na rin yun, ilipat nya na lang sakin. Mas mabuti ng ako yung may lagnat kesa sya”
Change topic. Dumating na yung inorder ko sa Etsy. Secret kung ano yun. Basta. Ahihi. Sasabihin ko na lang pag okay na. Ang arte nuh? May nalalaman pang pa-secret secret.
January 15th, 2008
10:34 pm
10 months, 10 days ago.
576 words
5 Comments
delicacies, food trip, get together, paypal
Yay! Sa wakas, verified na ako sa paypal!
Now, what will I do with the extra money I earned from making sponsored posts? Iti-treat ko mom ko and yung lil’ sis ko sa Brooklyn Pizza, that’s an 18 inch pizza dude! And syempre kasama si baby. O kaya pwede ring Pizza Hut or Yellow Cab. Basta! I’m craving for pizza, chocolates, and ice cream, or any mouth-watering dessert.
Haha! Lagi naman eh. Kahit ano naman kinakain ko, hindi ako pihikan sa pagkain. Pero meron lang talagang time na minsan gusto ko kumain ng something nab ago, yung hindi ko pa natitikman or yung hindi ko madalas kainin. I’ll also buy more toys for Kelly nga pala.
Talking about food. Nung isang araw eh nagpunta kami sa house ng lola ko (sa side ng father ko). May get together kasi kadarating lang ng lola ko galling London. I guess 1 month lang ata sila magbabakasyon ditto sa Pinas. Ayun, eh ano pa nga ba? Eh di syempre kainan. Ang sarap pa naman magluto ng lola at mga tita ko. Grabe ang dami ko nakain, na-empacho(tama ba spelling?) tuloy ako paguwi namin.
Sobrang sakit ng tiyan ko. Pano ba naman, iba-ibang putahe tapos nagluto pa sila mama ng spaghetti for meryenda. Tapos pinakain nila ako ng pinakain ng candy tsaka brownies para naman daw tumaba ako. Sa side kasi ng dad ko, karamihan sa kanila eh matataba. Sabagay, di na ko magtataka. Masarap nga naman sila magluto tapos lagi pa sila nagbe-bake ng kung anu-ano. Kami kasi, pati yung mga relatives ko, araw-araw yan, every meal, hindi nawawalan ng dessert tsaka fruits.
Yung Ate Ara ko nga pala nagdala ng 3 trays of brownies. Sya nag-bake nun. Nagtitinda kasi yun ng brownies eh. Grabe ang sarap! Iba-ibang variant. Yung isa with caramel and walnuts, yung isa naman with choco chips, at yung isa pa eh choco revel. Tapos may pasalubong samin yung lola ko. Fruit Jellies, Biscuits, at syempre pa sangkatutak na chocolates na naman. Ang sarap, fave ko talaga yung Cadbury Roses.
I love Cadbury talaga. Hindi ko na nakuhanan ng pics yung chocolates kasi grabe, ubos na agad kahapon. Ang tindi ano? Ang lakas naming kumain ng chocolates. Here’s the pics nga pala:
Mukhang pagkain talaga ako nuh?
Obvious na obvious sa post ko. Bakit nga ba ganun? Ang lakas lakas ko naman kumain pero sobrang payat ko talaga. Kahit anong gawin ko, hindi ako tumataba. Para pa rin akong malnourish. Haha!